|
||
| ABS-CBN humakot ng tropeo sa Star Awards |
SA ikawalong pagkakataon, muling tinanghal ang ABS-CBN bilang Best Station of the Year sa 23rd PMPC Star Awards for Television 2009 kamakailan. Pinarangalan ang Kapamilya station para sa balanced programming nito mula sa mga programang pang-telebisyon na nagmarka sa isipan at kaaliwan ng Pilipino sa makabagong panahon, maging sa drama man, gag, news, public affairs, educational, morning show at iba pa. Humakot pa ng 27 major awards ang ABS-CBN sa iba’t ibang categories at limang special awards. Sa kabuuan, 33 awards ang naiuwi ng ABS-CBN. At bilang pagpupugay sa natatanging kontribusyon sa industriya ng telebisyon, ipinagkaloob ng din ng PMPC sa mga haligi ng ABS-CBN ang makabuluhang pagkilala. Iginawad angAding Fernando Lifetime Achievement Award kay Direk Johnny Manahan at ang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award kay Vice President Noli de Castro. Hinirang ding Stars of the Night sina Piolo Pascual at Anne Curtis habang unanimous choice naman bilang Face of the Night si John Lloyd Cruz. Comments (0)
![]() Write comment
|

SA ikawalong pagkakataon, muling tinanghal ang ABS-CBN bilang Best Station of the Year sa 23rd PMPC Star Awards for Television 2009 kamakailan. 
















